Mga kabataang Pasigueño, inaanyayahang lumahok sa Youth Summit ngayong Oktubre

LUNGSOD PASIG, Okt. 10 (PIA) -- Inaaanyayan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga kabataang Pasigueño na makilahok sa ikalawang Youth Summit ngayong Oktubre.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang 2nd Youth Summit ay may temang, "Batang Pasig: Dayalogo at Diskurso Tungo sa Better Normal."

Ito ay gaganapin sa darating na Oktubre 23, 26-30, 2020 at bukas para sa mga miyembreo ng youth organizations at youth serving organizations sa lungsod.

Magkakaroon ng pre-summit orientation ngayong Sabadoa(Oktubre 10), 6:00PM via Zoom, ayon pa sa pamahalaang lungsod.

Sa mga nais lumahok, maaaring  mag rehistro, gamit ang link na ito: tinyurl.com/PasigYouthSummit2. Para naman sa ibang kabataan na interesadong makasama sa Youth Summit, maaaring dumulog sa SK Chairpersons ng inyong barangay.

Para sa mga katanungan ukol sa ikalawang Pasig City Youth Summit, magpadala ng message sa facebook.com/kabataangtambuli. (PIA-NCR)



Source: Philippines Information Agency (pia.gov.ph)

Post a Comment

0 Comments